To all "MOMMY SHAMERS"
Tagalogin na natin para mas ma explain at maintindihan ng karamihan..
ginawa ko tong blog na to hindi upang mag rant, kundi iexplain ang side
ko dahil minsan eh napapansin ko na ng very very light lang naman na
jina-judge na ako.. mostly, friends na kasabayan kong nagbuntis, at yung mga
momshies na marami ng experience sa pagpapalaki ng bata, Simulan na natin.
1. ILAYO ANG ASO SA BATA / IPAMIGAY MO NALANG ANG MGA ASO MO KASI MAY BABY KANA..
Okay, very sensitive ako sa ganitong topic. I admit, kumukulo yung dugo ko ng very very light sa ganitong issue. So okay, eto kasi yun. first of all, Thank you dahil concern kayo.. But what I wanted you guys know that my dogs has their own room and we have maids assigned to look after them (since i need to be with Atheinna) and maintain their hygiene plus we have veterinarian on call and we have them vaccinated yearly even anti Heart worm or in humans we call it DENGUE, and also kennel coughs, and leptospirosis, so stop telling me that my dogs are dirty, and a possible carrier of deadly disease.. STAHP, just STAHP. And everyday nililinisan ang bahay namin, and I will not explain how kasi hahaba lang hehe, If ever makakita kayo ng picture ni Atheinna na may kasamang aso, its for picture purposes only. at yung nagsasabi namang ipamigay ko ang aso ko? have mercy naman, saakin at sa mga alaga ko. hindi dahilan po ang baby para ipamigay o abandonahin ko sila.. pls they have feelings too! at before Atheinna, sila ang mundo ko, sila ang dahilan ng pagbabago ko, natuto akong maging responsible, at hindi selfish, sakanila ko natutunan maging nanay kaya please... Dagdag si Atheinna sa buhay namin, at walang dapat ibawas sa pamilya namin.
and lastly, sa mga nagsasabi din na dapat ipagbawal ang mga aso ko sa palibot ni atheinna, eto ha. 20 aso ko at dalawang pusa ko. 3 aso ko lang ang nakakalakad ng malaya sa paligid ni Atheinna, the rest nasa playroom nila dahil sobrang hyper pero soon iintroduce ko si Atheinna sakanila, pero etong sa tatlong aso ko na nasa sala namin, kelangan kong ipakita si Atheinna sakanila para kilala nila at hindi nila pagselosan. Okay na? tama na kasi masyadong mahaba, nasa number 1 palang tayo haha! sabi ko sainyo eh sensitibo ako sa ganitong usapin.
2. GANDA MAMA AH! AKO LOSYANG / MAY TIME KA PA MAG MAKE UP? EH AKO NGA KAHIT WAG NA AKO, BASTA MALINIS AT MAAYOS ANG ANAK KO.
Mga momshies, wag ganern! Hindi porket may anak na eh papabayaan mo na din sarili mo? sympre, sino ba ang ayaw na maayos, malinis at mabango ang anak noh? malamang priority natin sila. Pero kung okay ka naman siguru sa multi-tasking at meron naman ding magbabantay sa baby mo saglit, bilisan mo ng mag ready at magpaganda. Sympre ayaw din nating mapagkamalan tayong yaya ng mga anak natin, at lalong hindi ko namang sinabi na lahat tayo mga momshies mag contour at eyebrows on fleek, sympre iba iba tayo lahat mag ayos ng sarili, depende na yun sainyo kung paano kayo mag ayos, so kung sa nakikita nyong naka make up ako? na parang may gala lang ako, kung nag wa-wonder kayo na inayos ko ba ang anak ko bako ko inayos sarili ko? gurl! dont ya worry, kelangan mo lang ng magbabantay sa neknak mo SAGLIT pagkatapos mo sya ayusan at mabilis na galawan para maayos mo din sarili mo. Walang masama mag ayos ang nanay teh, as long as hindi mo napabayaan ang anak mo. eh pero kung sasabihin nyo naman ding "BUTI KA EH MAY KASAMA KA, EH AKO? AKO LANG MAG ISA NAGAARUGA SA ANAK KO", oh eh di problema mo na yan momshie, ang blog ko ay para maexplain ko ung side ko, hindi ligtas tips haha!
3. HINAHAYAAN MONG MAKASAGAP ANAK MO NG SAKIT SA KAKA GALA NYO / BAKIT KELANGAN KASAMA ANG BATA? / MARAMING BACTERIA SA LUGAR NA YAN.
Mga momshies, hindi naman po siguro masamang ilabas ko ang bata ng once in a blue moon? may mga iilan kasing nagrereact sa tuwing may uploads ako na nasa labas si Atheinna, kesyo ineexpose ko daw sa sakit at dumi sa labas? Ganito kasi yan momshie, Minsan kasi kakagaling naming mag check up, natural kakain kami at bibili ng mga kelangan ni Atheinna, saka may family bonding din kahit papano.. Ilang beses ba pupunta ang baby sa pedia? hindi naman po lagi yun, so wala akong nakikitang mali para ilabas ang bata? nakaka stress po minsan momshie kasi para pong wala akong freedom na ipost sa social media yung bonding namin sa labas ng bahay kasi andaming nag mamarunong, nakaka sad yun. Alam ko naman pong concern kayo at salamat doon, pero may Lola, Mama at mga Aunties po ako na nag aadvice po saakin, sapat napo sila saakin para bilang mentor.
4. BUTI PA KAYO PA DATE DATE LANG / MAY YAYA KASI KAYO KAYA MALAYA KAYO
Momshie Gurl! Hindi po masamang mag chill at relax ng 5 hrs. Aminin natin, nakakapagod naman talaga momshie, lalo na yung mga momshie na walang kasama sa bahay, halos sya na lahat pati sa gawain bahay. Momshie, relax! Manood ka ng movie kung ayaw mo matulog. o bahala ka anong trip mo kasi magkaiba naman tayo. Ako kasi momshie, hindi po ako basta basta nakakaalis ng bahay at hindi ko magawa lahat ng gusto ko kasi priority talaga dapat ang neknak noh? kaya hindi ako nag popost masyado kasi nasa bahay lang ako. Jusko naman! mag se-selfie ba ako na nagpapatulog ng bata? para lang alam ng madla na nagbabantay ako ng bata? hindi po ako yung tipong lahat nalang ay pinopost sa social media para alam nila gawain ko. Nagpopost po ako ng picture ung nasa labas ako syempre, kasi yan lang yung pagkakataong nakaayos ako momshie.. Nasa mama ko po ang neknak ko, at 1 week before nagpapaalam ako if pwede ako/kami mag chill sandali. ganern yern! again.
----------------------------------------------------------------------------------------------------
Again po, hindi po ito rant, at hindi po to common mommy shames.. ito po kasi yung halos paulit ulit kong naririnig sa iba patungkol sa pagiging nanay ko kay Atheinna, iniexplain ko po yung side ko para isahan na. Hindi naman po ako lage na huhusgahan, pero may iilan ilan lang talagang may lagi silang nasasabi sa tuwing may naiishare ako sa social media, which is minsan nakaka stress sa part ko kasi para bang wala akong freedom sa social media, o kaya parang hindi ako pwede matuto at magkamali bilang ina, kasi dapat ganito, ganyan lang.
At the end of the day, kahit ano pong paliwanag ko, eh lagi talagang may masasabi ang mga tao kahit ano pang paliwag mo. hahah! yun lang guyth! be positive tayo! sharing nalang tayo sa tips, wag na yung panghugusga :) At itong post ko pong to eh hindi po to tips ha? magkaiba tayo mga momshies at hindi ako magaling sa advice patungkol sa motherhood, baka pwede pa kung tanungin nyo ko tungkol sa paano magpalaki ng aso haha marami akong sagot jan! ayun, yun lang!
-THE END-




